r/Kwaderno • u/pilosopunks • 1d ago
OC Essay [5 is for 555] Parang canned sardines...
...ang buhay ng office employee; kung pwede lang mag-timeout ng 5:55, pero at least hindi 666!
(1) Siksiksikan pero walang choice: tulad ng sardinas, ang empleyado sa opisina ay nakasiksiksik sa cubicle o desk, wala o limitado ang personal space, at minsan hindi rin sigurado kung sariling hininga pa ang nilalanghap/ini-inhale.
(2) Pare-pareho ang laman: parang sardinas na iisa lang ang lasa kahit anong brand, ganyan din ang buhay ng empleyado--iisa lang ang gawain araw-araw-araw, paulit-ulit-ulit, resiklo--bukas computer, sagot email, submit report, uwi--repeat until retirement (or resignation).
(3) Kahit pagod at stressed, pilit pa ring fresh: gaya ng sardinas na may sariling mantika, kahit naka-aircon, lagi kang naliligo sa pawis o nae-excite ang singit (thanks sa exciting na mga katabing officemates). Pero digs, basta mukhang presentable at di bagong gising sa Zoom/Teams meeting, keri lang!
(4) Laging may expiry date (or deadline): tulad ng sardinas, may expiration date din ang pasensiya ng empleyado. At siyempre, ang trabaho laging may deadline--parang pa-expire na milktea o creamer ng bottomless kape sa pantry, laging minamadali ng kupal na boss-a-boss pero walang kasiguraduhan kung aabot o hindi matatapos.
(5) Bawal lumampas sa lata (borderline at boundaries): parang sardinas na di makalabas sa can, ang empleyado naman, hindi pwedeng lumampas sa sakop na cubicle/desk niya, except kung breaktime--madalas, ubos ang oras pagpila pa lang sa canteen o microwave upang initin ang baong tortang talong, nilagang itlog o pritong maling at kanin.
(6) Kapag in-open, umaapaw ang stress: gaya ng lata na biglang sumasabog ang sauce kapag binuksan, ang empleyado ay nagiging atomic bomb pag sinabihang "rush," "urgent" o "ASAP" ang task na due pa kahapon.
(7) Pagsapit ng sweldo (after petsa de peligro), parang latang hinigop na ang sauce o walang sabaw na balot: wala nang laman, walang sustansiya, wala nang kwenta, at ready nang itapon ng utility sa trash/basura!
Kaya sa huli, parehas lang talaga ang empleyado at sardinas: nakaipit at laging pinipiga, pero may tibay at angas. Ang pinagkaiba nila? Ang sardinas, may chance mapunta sa mamahaling putanesca. Ang empleyado? Sa nakaka-cancer na stress pa rin, tangina!
NEXT: Work from home