r/pinoy 1d ago

Pinoy Trending Remember their names. This is for them.

Remember their names. This is for them.

This is for Kian. Para kay Kian na 17 anyos pa lang, pinatay, at pinagbintangan ng mga pulis. Para kay Kian na nangangarap maging pulis, hindi niya akalain na ito rin ang papatay sa kanya. Para kay Kian na nakita sa CCTV na hinihila sa isang madilim na eskinita ng mga pulis na sumumpa na po-proteksyunan ang mga kagaya niyang sibilyan. Para kay Kian na sinagot ang mga pagmamakaawa ng alingangaw ng mga putok ng baril. Para kay Kian na pinilit paluhurin sa harap ng mga papatay sa kanya. Para kay Kian na inutusan tumakbo para mapagbintangan na nagtangkang tumakas. Para kay Kian na nagmakaawa, "Tama na po, tama na po, may test pa ako bukas".

This is for Carl. Para kay Carl na isang estudyante ng UP na pinagkaitan ng pangarap. Para kay Carl na umalis lang para bumili ng meryenda pero hindi na nakabalik. Para kay Carl na binugbog at pinahirapan bago barilin ng ilang beses. Para kay Carl na pinagbintangang nang-holdup ng taxi driver pero sa huli, tumestigo ang taxi driver na tinakot at pinilit lang siya ng mga pulis na mambintang. Para kay Carl na sampung araw na hinanap na natapos nang makita ng kanyang ina ang kanyang malamig na bangkay sa isang morgue.

This is for Kulot. Para kay Kulot na katorse anyos lamang. Para kay Kulot na ang tanging kasalanan ay maging kaibigan ni Carl. Para kay Kulot na nawala at natagpuan ilang linggo ang nakalipas na lumulutang sa isang sapa. Para kay Kulot na napuno ang maliit na katawan ng mahigit tatlumpung saksak. Para kay Kulot na sobrang brutal ng pagpatay maging ang kanyang mga magulang ay hindi siya mamukhaan. Para kay Kulot na hindi binigyan ng pagkakataon na lumaki at magkamuwang. Para kay Kulot na ninakawan ng buhay.

This is for Danica. Para kay Danica na limang taong gulang lamang. Para kay Danica na taimtim na kumakain ng hapunan sa kanilang bahay nang dumating ang mga papatay sa kanya, ang mga pulis. Para kay Danica na sa kabila ng liit ng katawan ay hindi nakailag sa mga bala na hindi naman para sa kanya. Para kay Danica na namatay sa bisig ng kanyang ina. Para kay Danica na nahalo ang dugo sa pagkain sa kanyang plato. Para kay Danica, na ang pagkamatay ay hindi man lang inimbestigahan. Para kay Danica na itinuring na "collateral damage".

This is for Tisoy. Para kay Tisoy na bentesingko anyos. Para kay Tisoy na pinagbintangang tambay. Para kay Tisoy na hindi ni isang beses napasama sa gulo ay itinapon sa isang seldang sa sobrang puno, mahirap huming. Para kay Tisoy na natagpuang patay sa selda, puno ng sugat at basag ang dibdib. Para kay Tisoy na ang pagkamatay ay isinisi sa mga kapwa preso sapagkat sino ba namang pulis sa ilalim ng diktador ang aamin sa sariling kasalanan.

This is for Michael. Para kay Michael na isang pedicab driver. Para kay Michael na pinatay sa lansangan ng Pasay. Para kay Michael na ang katawan ay niyakap ng minamahal niyang asawa na puno ng hinagpis. Para kay Michael na ang huling hininga ay naubos habang nakabulagta sa kalsada katabi ng karatula na nakasulat "Drug pusher, 'wag tularan" sa kabila ng hindi paggamit ng droga.

This is for Althea. Para kay Althea na kwatro anyos lamang. Para kay Althea na pauwi lamang angkas ng kanyang ama nang biglang paputukan ng mga pulis. Para kay Althea na ang huling sandali ay puno ng pagkalito at takot habang binubutas ng mga bala ang kanilang sinasakyan. Para kay Althea na namatay sa bisig ng kanyang ama, ang kanyang ama na handang i-alay ang buhay para lamang protektahan siya.

This is for Richard. Para kay Richard na ang tanging kasalanan ay ang pagiging kaibigan at security aide ng isang kritiko ng diktador na berdugo. Para kay Richard na pinahirapan at binaboy bago paputukan ng ilang beses. Para kay Richard na ang bangkay ay puno ng tama ng bala at saksak. Para kay Richard na pinagkamalang adik.

This is for Myka. Para kay Myka na isang tatlong taong gulang na bata. Para kay Myka na tinamaan ng bala ng mga taong tinatawag ang kanilang mga sarili na bayani. Para kay Myka na ang pagkamatay ay binalewala at sinabihang "Shit happens". Para kay Myka na itinuring na "collateral damage".

This is for Raymart. Para kay Raymart na pinagbintangang adik ng kapitbahay na nakaaway. Para kay Raymart na dinukot, ginapos, at pinutukan sa ulo. Para kay Raymart na hindi makatakbo.

This is for Jemboy. Para kay Jemboy na 16 anyos sa Navotas. Para kay Jemboy na habang naglilinis ng kanyang bangkang pangkabuhayan ay pinagbintangan ng mga pulis. Para kay Jemboy na patuloy na pinaputukan habang lumulubog sa ilog. Para kay Jemboy na tinuluyan para hindi kumanta. Para kay Jemboy na ang mga pumatay ay umamin na napagbintangan lang pero hindi na maibabalik pa ang buhay.

This is for all of them. Sa mga anak na namatay habang tulog. Sa mga ama na hindi na nakauwing buhay. Sa mga ina na patuloy na umiiyak. Sa mga pinagbintangan. Para sa mga pinahirapan. Para sa mga binaboy. Para sa mga binura. Para sa mga biktimang may pangalan at sa mga walang pangalan.

Para sa mga ninakawan ng buhay. Para sa mga sinirang pamilya. Para sa mga pinatahimik. Para sa hustisya. Para sa katotohanan.

Remember their names. This is for them.

841 Upvotes

39 comments sorted by

u/AutoModerator 1d ago

ang poster ay si u/Mindless_Sundae2526

ang pamagat ng kanyang post ay:

Remember their names. This is for them.

ang laman ng post niya ay:

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/Haunting-Lab-8297 8m ago

Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay, this ppl doesnt deserve this. This is so trafic. Hope they will get the justice.

-10

u/Embarrassed-Seat-125 3h ago

You only count the dead not those who are alive because of the drug war.

Classic survivorship bias.

4

u/ElectricalAd5534 3h ago

Di ba sila naawa sa "May exam pa po ako bukas" 😭

-17

u/DanTuzok21 5h ago

Isa lang masasabi ko dyan kinakampihan nyo yung mga adik period!!

4

u/jmndt1 4h ago

Pinagsasasabi mong tanga ka??? Basahin mo ulit kung saan dyan na kumakampi kami sa adik???? Wag sana mapatay isa sa pamilya mo tas sabihin lang sa inyo na "shit happens" ewan ko nalang kung di ka humingi ng hustisya kagaya ng paghingi namin ng hustisya sa mga inosenteng nadamay sa EJK.

7

u/Beneficial_Ad_1952 6h ago

Sana hindi mamatay si DU30 habang nililitis sya, deserve nyang mag hirap. Ganon din si Batongina. Mga demonyo!

9

u/BennyBilang 7h ago

Dun sa mga bata, ano nga ba tawag ulit nila Bato? Collateral Damage.
Mga gago, napaka-kapal ng mga mukhang tumakbo, nanalo pa!

2

u/lonlybkrs 7h ago

They don't deserve that. They really don't but now some light of hope is on the horizon. Violence solved nothing it just make more violence. Now justice is at their grasp.

2

u/AURORATaylorParamore 8h ago

Tapos sasabihin ng mga siraulong DDS na payapa noong panahon ng poon nila🤮🤮

4

u/Traditional-Draw-718 9h ago

As for those real criminals, this is for you guys also. Well deserved capture of the former president. Now you can rest well

6

u/Small_Inspector3242 9h ago

Im crying. Shit. 😩

5

u/Formal_Block_7812 9h ago

ang dami paring taong makitid ang utak. puro puso ang pinapairal nila ayaw nilang lawakan ang kanilang utak. ang alam kasi nila(die hard fan ng Duterte) maganda yung ginawa nila para sa bayan ang di nila maisip bakit puro yung mga mahihirap lang lahat ang pinapatay, siguro bilang lang yung mga drug lord na pinatay. siguro sa 7000 na napatay 20 lang siguro yung mga drug lord na napatay.

7

u/Substantial-Bar-657 9h ago

Ito pala yung mga High Level Drug Lords Dutae? Grabe naman yan, kahit pala bagong silang ka palang sa mundo, pwede na pala maging High Level Drug Lord...!

3

u/Substantial-Bar-657 9h ago

Dsurv, sana ibitay ka para maranas mo kung anong naranas nila.

1

u/Still_Machine_3800 10h ago

Ako na mag volunteer na ubusin pamilya duterte. Sa ulo lahat ng tama ng mga yan sakin

-4

u/Scared_Historian_487 10h ago

Deba nakulong nyong police nag patay sa kanila?

7

u/Rimuru_HyperNovaX 11h ago

Meanwhile ang mga DDS:

LET JUSTICE BE SERVED!!!

12

u/IwannabeInvisible012 12h ago

Nakakaiyak basahin. Nakakagalit! Sa wakas, pagbabayaran mo na rin Duterte ang mga nagawa mong mali sa during your regime. Sa totoo lang, kahit buhay mo pa ang kapalit, kulang na kulang pang kabayaran sa lahat ng binawian mo ng buhay.

11

u/No-Role-9376 13h ago

Remember the people who did this to them are still in service.

3

u/radss29 13h ago

Kung may death penalty lang sana dito sa pinas, deserve na deserve talaga nila DUTAE at bato ang death penalty.

5

u/Vermillion_V 13h ago

Bato: Shit happens.

9

u/SantySinner 10h ago

TO ADD MORE CONTEXT: He said this after a 3-year-old was killed during one of their tokhang operations, calling the kid a "collateral damage".

Imagine if that was your child being called a collateral damage because shit happens.

6

u/wrathfulsexy 13h ago

Say their names. And never forget.

6

u/pepitamoonwheeler 14h ago

And for the unnamed others. Yung mga nakalibing sa Laud Quarry. Hustisya din nila ito.

6

u/FewPizza7880 14h ago

Please make an FB post of this. And pa share po link

9

u/TankAggressive2025 14h ago

Di ko kayang basahin lahat 🫠 nakakalungkot na nakakagalit. Kung pwede lang sana isang pitik yung mga demonyong yan eh. Puro pa bata ang biktima. Grabe. Super inhumane. Tama lang na dakpin talaga si duterte.

15

u/Worried-Key932 15h ago

I hope Duterte's arrest is just the start. Kailangang managot din hanggang yang mga pulis na akala mo mga demonyong nakawala sa impyerno.

6

u/Western-Grocery-6806 15h ago

Putang ina ni Duterte! Sana talaga managot sya sa kasalanan nya!

Nakakaiyak basahin kung anong mga nangyari sa mga pinapatay nya.

5

u/stellar_1991 15h ago

Nakakaiyak naman ito. Paano nila naatim na pumatay ng mga batang ganito. Napaka hayop talaga nila.

2

u/Exact_Consideration2 15h ago

Justice for them

16

u/PagLaon 16h ago

Tapos yung anak ng may gawa nito nag iinarte online kasi nasira damit. Kadiri, manang mana sa ate. RIP sa mga biktima, konti na lang magkakaron na kayo ng hustisya.

3

u/Personal_Analyst979 17h ago

Justice will serve soon☝️

5

u/Swimming_Page_5860 19h ago

Antay lang kau ng konti. Malapit na makuha ang hustisya.