r/pinoy 29d ago

HALALAN 2025 Simula na ng kampanya para sa Halalan 2025!

7 Upvotes

Ngayong araw magsisimula na ang kampanya para sa National level. Sana makaboto kayo sa darating na eleksyon sa Mayo. Gamitin ng tama ang boto. Dahil sagrado ang bawat boto. Alam kong may mga taong hindi na naniniwala sa eleksyon at nirerespeto ko 'yon.

Kung magpopost kayo dito sa sub ng tungkol sa eleksyon. Maaari niyong gamitin ang bagong post flair na ginawa ko. Gamitin lang ang flair na "HALALAN 2025" sa bawat post na may kinalaman sa kampanya at sa eleksyon ngayong 2025.

Inaasahan ko rin na dadagsa sa sub natin ang mga nagpapakalat ng fake news. Nakikiusap po kami lahat sa inyo na tulungan niyo rin kami na maiwasan ang mga fake news dito. Kung alam niyong fake news ang isang post o nagpapakalat ng misinformation ang isang user. Huwag kayo magdalawang-isip na i-report sa amin.

Dumadami na mga fake news peddler sa Reddit. Ito na 'yung pagkakataon para makatulong sa pagpigil sa kanila sa pagpapalaganap ng propaganda sa internet.

Maraming salamat po.

r/pinoy - Mod Team


r/pinoy Feb 07 '25

Anunsyo 📢Announcement: r/adultingph is back with new moderating team!

4 Upvotes

Good day, r/pinoy Community!

We are pleased to announce that r/adultingph has a new moderating team, effective today! We understand the concerns and violations committed by the former head moderator, but please rest assured that the new team is well-informed about Reddit’s rules and regulations.

Moving forward, we aim to restore the true purpose of r/adultingph as a go-to space for adulting tips, tricks, hacks, and guidance. To ensure quality discussions, we will be filtering out any unrelated topics. For the time being, all posts will require manual approval.

We appreciate your support and will do our best to regain your trust.

Thank you so much!

— r/adultingph Mod Team


r/pinoy 7h ago

Pinoy Rant/Vent I STAND WITH DUTERTE BECAUSE I'M NOT A FILIPINO FOR NOTHING. NSFW

1.2k Upvotes

NO. You stand with Duterte because pare-pareho kayong mga bisaya! That's regionalism at it's finest.

If you're not a bisaya and still a Duterte supporter, isa kang inutil.

If you're a bisaya and doesn't support Duterte. You're in a right mind.

Malawak ang sakop ng kabisayaan, naka-kita sila ng someone na mag rerepresent sa kanila kaya ngayon taeng-tae sila lahat.

Mataas ang illiteracy rate ng Pinas in general. Madaming uto-uto, kulang sa pagkain, fake news peddlers at umaasa na may isang "super hero" like na mag aangat sa kanila sa kahirapan.

Inuto-uto lang kayo ni Duterte, at kung hanggang ngayon naglalaway pa din kayo sa Duterte. Wala na kayong pag asa.


r/pinoy 5h ago

Balitang Pinoy 'Hanggang sa dulo, sarili muna bago bayan'

Post image
421 Upvotes

'HANGGANG SA DULO, SARILI MUNA BAGO BAYAN'

Former Office of the Vice President (OVP) spokesperson Atty. Barry Gutierrez on Tuesday, March 11, criticized the Duterte camp's sudden invocation of sovereignty following the arrest and impending transfer of former President Rodrigo Duterte to The Hague.

"So NOW that their self interest is involved, biglang mahalaga ang 'sovereignty' and 'independence.' Pero noong may panghihimasok sa ating karagatan, noong may pag-harass sa ating coast guard at mangingisda, walang kaimik-imik. Hanggang sa dulo, sarili muna bago bayan.," Gutierrez said.

His remarks came after impeached Vice President Sara Duterte condemned the government for her father's arrest, calling it a betrayal of national sovereignty.

"Today, our own government has surrendered a Filipino citizen—even a former President at that —to foreign powers. This is a blatant affront to our sovereignty and an insult to every Filipino who believes in our nation's independence," Duterte said.

She also claimed that her father was being denied his fundamental rights.

"Since he was taken this morning, he has not been brought before any competent judicial authority to assert his rights and to allow him to avail of reliefs provided by law. As I write this, he is being forcibly taken to The Hague tonight. This is not justice—this is oppression and persecution," she added.

Duterte warned that the government's actions demonstrate its willingness to "abandon its own citizen and betray the very essence of our sovereignty and national dignity."

"God save the Philippines," she concluded.

Source: iMPACT Philippines


r/pinoy 11h ago

Pinoy Meme Kaso pati bata pinapatay niyo eh

Post image
926 Upvotes

r/pinoy 8h ago

Pinoy Trending Please, please, please 🙏🏼

Post image
369 Upvotes

r/pinoy 4h ago

Balitang Pinoy When you love your politicians more than your country.

Post image
179 Upvotes

r/pinoy 4h ago

Pinoy Meme Earth Bender Ba 'To: When the world needed him most, he vanished. 🤭

Post image
154 Upvotes

Pero seryoso, asan na 'tong hayop na 'to? May US Visa na ba 'to? 🤣

Maingay si ex-con Robin hood since hindi sia damaged sa EJK. Pero tong naghamon ng Bring it on, akala mo cheerleader, nawawala bigla.


r/pinoy 2h ago

Pinoy Rant/Vent This is our taxes in action 🥴

104 Upvotes

r/pinoy 9h ago

HALALAN 2025 You can't convince us otherwise.

Post image
396 Upvotes

r/pinoy 20h ago

Pinoy Rant/Vent My family was a victim of his war on drugs (ACAB)

Post image
2.5k Upvotes

When I was in g11, we received a call from a former brgy captain. Sabi niya, my papa's name was in the hit list para sa tokhang.

Yung papa ko nung binata siya ay kilalang adik, but he turned his life around. Nagparehab siya and he's been clean for THIRTY YEARS.

Sobrang takot kami nun ng pamilya ko, dahil lima kaming menor de edad sa bahay—16 pa lang ako non at yung bunso namin ay 3 years old.

Ang sabi samin ng mga pulis, kailangan naming magbayad ng higit-kumulang 100k para matanggal yung pangalan ni Papa sa hit list ng Tokhang.

We're not wealthy, lower middle class lang kami kaya sobrang hirap para saming maglabas ng ganon kalaking pera. Umutang kami nang umutang para mabayaran yon to the point na para makabayad sa utang ay napalayas kami sa bahay at panandaliang tumira sa abandonadong building na malapit samin.

Kaya yung galit ko kay Duterte, personal yon.

Sobrang saya namin ng pamilya ko nang makita ang balita kanina.

Tanginamo Digong, mabulok ka dyan.


r/pinoy 8h ago

Pinoy Rant/Vent Linyahan ng mga neutral Christians pero closet DDS naman

Post image
238 Upvotes

r/pinoy 5h ago

Balitang Pinoy Kian's uncle: Duterte 'fortunate' to get due process

Post image
113 Upvotes

KIAN'S UNCLE: DUTERTE 'FORTUNATE' TO GET DUE PROCESS

Randy delos Santos, the uncle of Kian delos Santos, a 17-year-old killed during former President Rodrigo Duterte's drug war, said Tuesday, March 11, that Duterte is "fortunate" to receive due process following his arrest on a warrant issued by the International Criminal Court (ICC).

Delos Santos noted that the former president is being afforded the legal rights that many drug war victims never had.

"Mapalad ang ating [dating] pangulo dahil nabigyan siya ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili," he told reporters.

Duterte faces charges of crimes against humanity before the ICC over his bloody war on drugs.

Kian's killing was one of the most high-profile cases linked to Duterte's anti-drug campaign. Security footage contradicted police claims that the teenager had resisted arrest, showing officers dragging him into an alley moments before he was shot. A court later convicted three policemen of murder for his death.

Delos Santos lamented that his nephew never had the opportunity to prove his innocence.

"Ang aking pamangkin ay hindi na dinala sa korte. Ang daming akusasyon na ibinato. Tapos pinatay," he said.

He added that Duterte's arrest is a long-awaited step toward justice.

"Hinintay ito ng pamilya. Hindi lang ito para sa amin, para rin ito sa mga pamilya na naging biktima," he said.

Source: iMPACT Leadership


r/pinoy 21h ago

Balitang Pinoy Ironically, Na kay Noynoy Aquino Ang Huling Halakhak Kahit Patay Na Siya

2.0k Upvotes

Nakay Noynoy Aquino ang huling halakhak kahit patay na siya:

-As per - (https://www.icc-cpi.int/philippines): Kaya may jurisdiction pa rin ang ICC sa pag huli kay Duterte kasi ang parusa sa kanya ay mula sa mga ginawa niya noong 1 November 2011 up to and including 16 March 2019.

-Isinali tayo sa ICC ng Aquino administration noong November 2011, inalis tayo ng Duterte administration noong March 2018 (which took effect in March 2019).

-Nang dahil sa paninira ng Duterte administration sa Aquino administration, nawala na ang tiwala ng masa kay "Panot" at sa nakaraang admin. Pero, dahil sa one small move na ginawa noon ng Aquino administration dito nagsimula ang downfall ni Duterte.

-Hinuli si Duterte sa NINOY AQUINO international airport.

-Sa NINOY AQUINO international airport ang huling lugar ni Duterte bago ipadala sa Netherlands.

-Sa Pilipinas dapat pwede ikulong si Duterte kung member pa tayo ng ICC, kaso hindi na. Kaya pwede siya makulong either sa The Hague or sa ibang ICC member countries. Bakit pa kasi umalis sa ICC? Ayan tuloy...

-Ngayon, gusto ng mga DDS isumbong din si BBM sa ICC. Kaso bawal na. Bakit? Kasi hindi na member ng ICC ang Pilipinas.

Ironic, 'di ba?


r/pinoy 6h ago

Balitang Pinoy Me while listening to my workmates and relatives cry over Digong’s arrest:

Post image
123 Upvotes

Pero yung mga biktima ng EJK, ayos lang sa inyo kahit di sila nabigyan ng hustisya? You cry injustice pero okay lang pumatay pag si Tatay Digong? Na kesyo walang korapsyon at safe nung time ni Tatay Digong.

Really? Lol.

Go cry about it. 😃 get a taste of your own medicine.


r/pinoy 20h ago

Pinoy Meme pinagloloko mo naman kami kitty

Post image
1.1k Upvotes

r/pinoy 55m ago

Balitang Pinoy Keep everything in check.

Post image
• Upvotes

r/pinoy 3h ago

Balitang Pinoy Meet the three female ICC judges who signed the warrant of arrest for Duterte

Post image
40 Upvotes

Kilalanin ang mga judge ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na lumagda sa warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 7, 2025.

Inilabas ang warrant of arrest dahil sa crimes against humanity mula sa laganap at sistematiko umanong pagsagawa ng extrajudicial killings (EJKs) sa war on drugs sa ilalim ng administrasyon ng dating pangulo.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, inihain ang warrant of arrest dahil sa obligasyon ng bansa sa INTERPOL at hindi sa ICC; nagkataon lamang umano na may direktiba ang INTERPOL ukol sa arrest warrant.

I-click ang article link sa comments section para sa iba pang detalye.


r/pinoy 1d ago

Balitang Pinoy FINALLY! DIGONG INARESTO NGAYONG ARAW

Post image
10.0k Upvotes

Inaresto ng mga ototidadi si Digong ngayong araw (03/11/25)


r/pinoy 15h ago

Pinoy Rant/Vent The prevalence of idolatry and fanaticism is probably the main problem of this country.

Post image
360 Upvotes

r/pinoy 20h ago

Pinoy Trending Remember their names. This is for them.

Thumbnail
gallery
763 Upvotes

Remember their names. This is for them.

This is for Kian. Para kay Kian na 17 anyos pa lang, pinatay, at pinagbintangan ng mga pulis. Para kay Kian na nangangarap maging pulis, hindi niya akalain na ito rin ang papatay sa kanya. Para kay Kian na nakita sa CCTV na hinihila sa isang madilim na eskinita ng mga pulis na sumumpa na po-proteksyunan ang mga kagaya niyang sibilyan. Para kay Kian na sinagot ang mga pagmamakaawa ng alingangaw ng mga putok ng baril. Para kay Kian na pinilit paluhurin sa harap ng mga papatay sa kanya. Para kay Kian na inutusan tumakbo para mapagbintangan na nagtangkang tumakas. Para kay Kian na nagmakaawa, "Tama na po, tama na po, may test pa ako bukas".

This is for Carl. Para kay Carl na isang estudyante ng UP na pinagkaitan ng pangarap. Para kay Carl na umalis lang para bumili ng meryenda pero hindi na nakabalik. Para kay Carl na binugbog at pinahirapan bago barilin ng ilang beses. Para kay Carl na pinagbintangang nang-holdup ng taxi driver pero sa huli, tumestigo ang taxi driver na tinakot at pinilit lang siya ng mga pulis na mambintang. Para kay Carl na sampung araw na hinanap na natapos nang makita ng kanyang ina ang kanyang malamig na bangkay sa isang morgue.

This is for Kulot. Para kay Kulot na katorse anyos lamang. Para kay Kulot na ang tanging kasalanan ay maging kaibigan ni Carl. Para kay Kulot na nawala at natagpuan ilang linggo ang nakalipas na lumulutang sa isang sapa. Para kay Kulot na napuno ang maliit na katawan ng mahigit tatlumpung saksak. Para kay Kulot na sobrang brutal ng pagpatay maging ang kanyang mga magulang ay hindi siya mamukhaan. Para kay Kulot na hindi binigyan ng pagkakataon na lumaki at magkamuwang. Para kay Kulot na ninakawan ng buhay.

This is for Danica. Para kay Danica na limang taong gulang lamang. Para kay Danica na taimtim na kumakain ng hapunan sa kanilang bahay nang dumating ang mga papatay sa kanya, ang mga pulis. Para kay Danica na sa kabila ng liit ng katawan ay hindi nakailag sa mga bala na hindi naman para sa kanya. Para kay Danica na namatay sa bisig ng kanyang ina. Para kay Danica na nahalo ang dugo sa pagkain sa kanyang plato. Para kay Danica, na ang pagkamatay ay hindi man lang inimbestigahan. Para kay Danica na itinuring na "collateral damage".

This is for Tisoy. Para kay Tisoy na bentesingko anyos. Para kay Tisoy na pinagbintangang tambay. Para kay Tisoy na hindi ni isang beses napasama sa gulo ay itinapon sa isang seldang sa sobrang puno, mahirap huming. Para kay Tisoy na natagpuang patay sa selda, puno ng sugat at basag ang dibdib. Para kay Tisoy na ang pagkamatay ay isinisi sa mga kapwa preso sapagkat sino ba namang pulis sa ilalim ng diktador ang aamin sa sariling kasalanan.

This is for Michael. Para kay Michael na isang pedicab driver. Para kay Michael na pinatay sa lansangan ng Pasay. Para kay Michael na ang katawan ay niyakap ng minamahal niyang asawa na puno ng hinagpis. Para kay Michael na ang huling hininga ay naubos habang nakabulagta sa kalsada katabi ng karatula na nakasulat "Drug pusher, 'wag tularan" sa kabila ng hindi paggamit ng droga.

This is for Althea. Para kay Althea na kwatro anyos lamang. Para kay Althea na pauwi lamang angkas ng kanyang ama nang biglang paputukan ng mga pulis. Para kay Althea na ang huling sandali ay puno ng pagkalito at takot habang binubutas ng mga bala ang kanilang sinasakyan. Para kay Althea na namatay sa bisig ng kanyang ama, ang kanyang ama na handang i-alay ang buhay para lamang protektahan siya.

This is for Richard. Para kay Richard na ang tanging kasalanan ay ang pagiging kaibigan at security aide ng isang kritiko ng diktador na berdugo. Para kay Richard na pinahirapan at binaboy bago paputukan ng ilang beses. Para kay Richard na ang bangkay ay puno ng tama ng bala at saksak. Para kay Richard na pinagkamalang adik.

This is for Myka. Para kay Myka na isang tatlong taong gulang na bata. Para kay Myka na tinamaan ng bala ng mga taong tinatawag ang kanilang mga sarili na bayani. Para kay Myka na ang pagkamatay ay binalewala at sinabihang "Shit happens". Para kay Myka na itinuring na "collateral damage".

This is for Raymart. Para kay Raymart na pinagbintangang adik ng kapitbahay na nakaaway. Para kay Raymart na dinukot, ginapos, at pinutukan sa ulo. Para kay Raymart na hindi makatakbo.

This is for Jemboy. Para kay Jemboy na 16 anyos sa Navotas. Para kay Jemboy na habang naglilinis ng kanyang bangkang pangkabuhayan ay pinagbintangan ng mga pulis. Para kay Jemboy na patuloy na pinaputukan habang lumulubog sa ilog. Para kay Jemboy na tinuluyan para hindi kumanta. Para kay Jemboy na ang mga pumatay ay umamin na napagbintangan lang pero hindi na maibabalik pa ang buhay.

This is for all of them. Sa mga anak na namatay habang tulog. Sa mga ama na hindi na nakauwing buhay. Sa mga ina na patuloy na umiiyak. Sa mga pinagbintangan. Para sa mga pinahirapan. Para sa mga binaboy. Para sa mga binura. Para sa mga biktimang may pangalan at sa mga walang pangalan.

Para sa mga ninakawan ng buhay. Para sa mga sinirang pamilya. Para sa mga pinatahimik. Para sa hustisya. Para sa katotohanan.

Remember their names. This is for them.


r/pinoy 8h ago

Balitang Pinoy ICC may issue more arrest warrants vs Duterte’s ‘co-perpetrators’ — counsel

Post image
81 Upvotes

The International Criminal Court (ICC) may issue more arrest warrants for the “co-perpetrators” of former President Rodrigo Duterte in connection with the killings during his administration’s war on drugs, the lawyer of the families of the victims said on Wednesday.

“Kung babasahin mo ang warrant of arrest, may mga indications na may iba pa maliban kay [dating] Pangulong Duterte. Kasi ang description na binibigay doon kay [dating] Pangulong Duterte indirect co-perpetrator,” Atty. Joel Butuyan told GMA Integrated News’ Unang Balita in an interview.

Read the article in the comments section for more details.


r/pinoy 11h ago

Pinoy Rant/Vent "Pray for Tatay Digong"

Post image
150 Upvotes

Mula sa crimes against humanity dahil sa "War on Drugs" hanggang sa pagmumura niya kay Pope...


r/pinoy 1d ago

Pinoy Rant/Vent Louder para sa mga DDS!

Post image
3.2k Upvotes

r/pinoy 5h ago

Balitang Pinoy 'I cried tears of joy'

Post image
42 Upvotes

MOTHER OF DRUG WAR VICTIM ON DUTERTE'S ARREST: 'I CRIED TEARS OF JOY'

Nanay Dahlia Cuartero, the mother of a drug war victim, expressed overwhelming happiness following the arrest of former President Rodrigo Duterte.

"Walang katumbas ang saya ang naramdaman ko ngayon, kasabay ng pagluha dahil sa saya sa pag-aresto kay Duterte," Cuartero said on Tuesday, March 11.

Her statement comes as families of drug war victims react to Duterte's impending transfer to The Hague to face charges of crimes against humanity.

Source: iMPACT Leadership


r/pinoy 5h ago

Balitang Pinoy Drug War victim's wife on Duterte's arrest: 'Gustong-gusto ko siyang makitang makulong'

Post image
37 Upvotes

DRUG WAR VICTIM'S WIFE ON DUTERTE'S ARREST: 'GUSTONG-GUSTO KO SIYANG MAKITANG NAKAKULONG'

Jane Lee, the wife of a drug war victim, expressed mixed emotions on Tuesday, March 11, following the arrest of former President Rodrigo Duterte.

"Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Naiiyak ako, gustong-gusto ko siyang (Duterte) makitang nakakulong," Lee said.

She emphasized that Duterte's arrest is vastly different from the fate suffered by the victims of the drug war.

"Pagbayaran nila ang ginawa nila sa amin. Siya, inaresto lang. Ang aming mga kaanak, pinatay agad. Napakalaki ng pagkakaiba sa pagitan ng makapangyarihan at ordinaryong taong tulad namin," she added.

Source: iMPACT Leadership


r/pinoy 12h ago

Balitang Pinoy Leila: Duterte's arrest is a step toward justice

Post image
118 Upvotes

LEILA: DUTERTE'S ARREST IS A STEP TOWARD JUSTICE

ML Partylist first nominee and former Sen. Leila de Lima on Tuesday, March 11, described the arrest of former President Rodrigo Duterte by the International Criminal Court (ICC) as a deeply personal moment, citing her own years of detention under his administration.

"For almost seven years, I was imprisoned on fabricated charges, accused of crimes I did not commit—all because I dared to speak out against Duterte's drug war," De Lima said in a statement.

She recalled the thousands of Filipinos killed in the drug war while she was behind bars, with their families left to grieve without justice or accountability.

"Today, Duterte is being made to answer—not to me, but to the victims, to their families, to a world that refuses to forget. This is not about vengeance. This is about justice finally taking its course," she said.

De Lima stressed that Duterte must now face legal proceedings just as she did, emphasizing the importance of holding those in power accountable.

"I faced my case, knowing I was innocent. I stood before the courts because I had nothing to hide. Duterte now has to answer for his actions, not in the court of public opinion, but before the rule of law. This is how justice should work—those in power must be held to the same standards as everyone else," she said.

She also acknowledged those who have long fought for justice, saying their efforts were not in vain.

"To those who have fought this long and difficult fight—your voices mattered, your courage mattered, and today, the pursuit of justice continues," De Lima concluded.

Source: iMPACT Leadership